Limot Na
Saturday, May 31, 2008Ordinary weekday. Breakfast [1:30pm]. Katabi ng mga plato at baso sa dining table ang isang laptop. Sa laptop ay nakadisplay ang latest chapter ng Naruto Manga (Chapter 400).
G1: Shucks! Ang ganda na ng istorya ng manga — pero bakit ganun parang hindi ko naman napansin kung kelan nawala yung cursed seal sa balikat ni Sasuke-kun? Saka bakit alam ni Naruto kung ano yung black flame na yun? Di naman nya nakita yun before ah.
B1: Oo andun yun, tanda mo pa nung unang encounter nila ni Itachi, nung ginamit nya yung black flame para makatakas sa loob ng tiyan nung higanteng palaka?
G1: Ahh.. dun ba yun.. [Pero nag-iisip pa rin] …Oo nga, dun nga yung nagsummon si ano ng frog! Ang tagal na nun ah, umeepekto na talaga ang memory enhancer sa kape mo!
B1: Oha, gumagana na talaga yung 8-in-1 na kape! …Teka, ano nga ba ulit yung pangalan nun.. si ano….
G1: Yung nagsummon? Oo nga eh teka alam ko yun e, di ko pwedeng makalimutan… Hmm…. .. .. … … … … … … .. … …. … Hala, teka Yung 3 Legenday Sannin yun e!! [Napakamot na ng ulo at nakakunot ang noo] … … … … … Hahaha! Ikaw alam mo na ba?? Ano ba yan nakakahiya ako nakalimutan ko!! Si Ero-sennin yun eh! … Orochimaru, Tsunade… Ero-sennin!
B1: Hahaha! Ero-sennin di pwede yun. Ano na..
G1: Alam mo na ba? Wag mo muna sasabihin! Kaya ko to teka
B1: Hinde hindi ko pa matandaan haha!
G1: Paunahan tayo makaisip!
B1: Sige isipin mo na [tumayo papunta sa ref]
G1: [Nagmadaling inopen ang manga archives nya at saktong nabuksan ang chapter na namatay si Ero-sennin] …alam ko na! Sheet di ko na kaya nagbukas na ako ng chapters. Jiraiya-sama!!
Moral of the story: Normal lang sa taong in mid-20s ang makalimot ng mga detalye na kahit kasing-fresh pa ito ng hamog sa umaga. Walang kinalaman ang kahit anong memory enhancer para maiwasan ito. Natural human mind phenomenon kung baga.




